Skip to content

Course Description

Sa course na ito, tatalakayin natin ang basics ng programming gamit ang JavaScript. Magpo-focus ang course na ito sa integration ng HTML, CSS, at JavaScript. Sa course na ito, matututo kang gumawa ng isang CRUD Web app—isang To-Do list app—gamit ang JavaScript. Hindi tatalakayin dito ang paggamit ng frameworks o libraries. Magpo-focus ang course na ito sa vanilla JavaScript.

Magsisimula ang course na ito sa .

Lessons

  1. Ang Una Mong Program: Hello, World!

    Pagli-link ng JavaScript program sa HTML file mo, at ang una mong program.

  2. Statements, Semi-colons, at Comments

    Ano ang mga statement? Required ba ang semi-colons? Paano makakatulong ang paglalagay ng comments sa code?

  3. Modern JavaScript: 'use strict'

    Para saan ang 'use strict', at kailangan mo ba talaga nito?

  4. Variables

    Pagde-declare ng variables gamit ang let at const. At dapat pa bang gamitin ang var

  5. Data Types

    Ang iba't ibang types ng data sa JavaScript.

  6. Basic Operators at Math Operations

    Puwede tayong gumawa ng math operations gamit ang JavaScript

  7. Comparisons

    Gamitin natin ang comparisons (>, <, <=, >=, etc.).

  8. Selection

    Paggawa ng selection at decision gamit ang if?:)

  9. Logical Operators

    Ang logical operations ay mga operation na may boolean result.

  10. Loops: while, do…while, at for

    Inuulit ng mga loop ang isang set ng operations hanggang sa ma-meet ang condition na sinet mo.

  11. Ang switch Statement

    Ang switch ay isang mas complex na version ng if statement.

  12. Functions

    Ang functions ay isang set ng operations na puwede nating gamitin nang paulit-ulit sa iba't ibang bahagi ng code.

  13. Arrow Functions

    Ang arrow functions ay isang way ng pagsusulat ng functions sa code.

  14. Arrays

    Ang arrays ay isang set ng mga value na puwedeng tawagin gamit lang ang isang variable.

  15. Objects

    Ang objects ay mga value na may properties at sariling functions na kung tawagin ay method.

  16. Ang Document Object Model

    Ang Document Object Model o DOM ay isang object representation ng HTML webpage na puwedeng gamitin sa JavaScript.

  17. Paghahanap ng Elements sa DOM

    Paano natin gagamitin ang JavaScript sa paghahanap ng HTML elements sa DOM?

  18. DOM Attributes at Properties

    Puwede rin nating baguhin ang HTML attributes gamit ang JavaScript

  19. DOM Manipulation

    Gamit ang JavaScript, puwede tayong magdagdag ng elements, attributes, at text sa HTML page natin.

  20. Events

    Ang mga event ay mga signal na sine-send ng browser sa code natin kapag may ginawa ang user o kapag may ibang changes na nangyari na puwede nating gamitin.

  21. Storage

    Gamit ang cookies, localStorage, at sessionStorage, puwede tayong mag-save ng data sa browser ng user.