Course Description
Sa course na ito, tatalakayin natin ang basics ng CSS at ang relationship nito sa HTML. Pag-uusapan sa course nito ang mga essential features ng CSS na kakailanganin mo sa pagbuo ng isang tipikal na Website. Kasama rito ang typography, colors, transforms, at mga simpleng transitions at animations. Pag-uusapan din ang layout gamit ang CSS, partikular na ang positioning at display types. Matatalakay din ang basics ng Flexbox at Grid layout.
Ang course na ito ay ibinase sa content na makikita sa Web Development course ng MDN Web Docs.
Prerequisites
Para sa lahat ang course na ito. Pero magiging mas madali ito para sa mga taong...
- marunong gumawa ng bagong files at folders
- marunong gumamit ng Web browser, gaya ng Firefox at Google Chrome
- marunong mag-copy, rename, at delete ng computer files
Before you start...
Para maging lalong effective ang course na ito, gawin ang mga sumusunod:
- Siguruhing may naka-install kang Web browser. Kung wala pa, puwede mong i-install ang kahit na alin sa mga ito: Kung balak mong gamitin ang default browser ng computer mo (Microsoft Edge sa Windows 10, Internet Explorer sa Windows 7, Safari sa macOS), siguraduhing updated ito. Note Hindi na nire-recommend na gamitin ang Internet Explorer sa kahit na anong version nito. Kung ito ang balak mong gamitin, pag-isipang mabuti kung puwede kang lumipat sa ibang browser.
- Tingnan kung may magagamit kang text editor. Sa Windows, puwede kang gumamit ng Notepad. Pero para sa mas magandang experience, puwede mong i-install ang kahit alin sa mga ito:
Lessons
-
Ang Cascading Style Sheets
Bakit kailangan ang CSS? At paano ito gagamitin kasama ng HTML?
-
Mga Selector
Bukod sa HTML tags, puwede tayong gumamit ng patterns, o selectors, para sabihin sa CSS kung sa aling HTML elements lang mag-a-apply ang styling natin.
-
Ang Cascade, Inheritance, at Specificity
Mga nakakalitong concepts ng CSS, at kung paano sila gumagana.
-
Ang Box Model
Mga spacing at sizes sa CSS
-
Typography
Mga fonts at iba pang styling ng text
-
Layout: Inline, Block, at Inline-Block Display
Mga display types na madalas gamitin sa Web design.
-
Layout: Flexbox
Ang flexible boxes layout, kung paano ito gamitin, at kung kailan ito dapat gamitin
-
Layout: Grid
Ang grid layout, kung paano ito gamitin, at kung kailan ito dapat gamitin
-
Layout: Paggamit Grid at Flexbox nang Sabay
Hindi magkalabang layout techniques ang flexbox at grid. Sa katunayan, mas maganda pa nga kung gagamitin natin sila pareho. Tingnan kung paano.
-
Positioning: Relative, Absolute, Fixed, at Sticky
Bukod sa display types, puwede rin nating gamitin ang position property ng CSS
-
Pseudo-elements at Pseudo-classes
Puwede tayong magdagdag ng elements at states gamit lang ang CSS
-
Transitions
Kapag nagpapalit ng value ang property ng isang element, puwede nating lagyan iyon ng transition.
-
Animations
Gawing mas interesting ang Web pages mo gamit ang CSS animations.