Habang kino-code ang bagong Web site ng Antares Programming, specifically ang part para sa courses, nagkaroon ako ng maliit na problema. Sa lessons page, may dalawa akong link na nakalagay: isang link pabalik sa course page, at isang link papunta sa susunod na lesson.
Para sa link na Bumalik sa course page, wala akong way para makuha ang link ng course ng lesson na tinitingnan ngayon ng user. Naghanap ako online ng function o Liquid HTML na puwede kong gamitin, pero wala akong nahanap.
Literal na inabot ako ng more or less 30 minutes bago ko na-realize, Puwede ko palang gmitin โyong dalawang tuldok!โ
Relative URLs
May dalawang types ng URL, ang absolute at relative. Ang absolute URLs ay mga exact na addresses at file paths gaya ng https://antaresprogramming.github.io/
o kaya naman ay https://github.com/antaresprogramming/antaresprogramming.github.io
.
Ang mga relative URLs naman ay mga URL na nakadepende sa path ng file na gumagamit nito. Halimbawa nito ang /home/maniczirconium/Documents
. Relative URL ito dahil nakadepende ito sa location ng root directory (/
). Relative URL din ang ./file.png
dahil nakaangkla ang buong URL sa path ng kasalukuyang file o directory.
Sa problema ko, kailangan kong bumalik sa course page. At naalala ko ang structure ng URLs ng Web site na ito:
https://antaresprogramming.github.io/courses/<COURSE>/<LESSON>/
Sa pattern na ito, puwede kong makuha ang link ng course page gamit ang up one directory operator1. For example, kunwari may ganito tayong folder structure:
antaresprogramming.github.io/ | + blog + courses | + html-essentials | + 01-hypertext-markup-language + 02-html-syntax
Kung nasa page na 01-html-syntax
ang reader, paano siya makakabalik sa course page (html-essentials
)? Simple lang. Magdadagdag tayo ng dalawang tuldok sa dulo ng URL:
/courses/html-essentials/02-html-syntax/..
Dahil sa dalawang tuldok na iyan, lalabas ng isang directory ang browser, kaya mula sa 02-html-syntax
, babalik siya sa html-essentials
. Napakasimpleng bagay nito, at madalas ko rin itong gamitin sa command-line gamit ang cd ..
para lumabas sa directory. Pero inabot ako ng kalahating oras bago ko na-realize. Talagang kahit gaano ka na katagal nagpo-program, may mga instances pa rin na lutang ka. ๐
- ^ Hindi ako sigurado kung
operator
ba talaga dapat ang itawag dito. For the purposes of this write-up, tawagin natin siyang operator.