Skip to content

Ang Antares Program­ming sa 2021

Salamat sa suporta ninyo!

Hindi naging maganda ang 2020 para sa ating lahat. Patuluyan tayong pininsala ng COVID-19 pandemic, mga malalakas na bagyo, lansakang pagpatay ng mga pulis at pagsasawalang-bahala sa due process, at marami pang iba. Dahil dito, ipinapaabot ng Antares Programming ang pakikiramay sa mga naapektuhan ng mga kalamidad na ito. Kasabay nito, kaisa ninyo ang Antares Programming sa pagsigaw at paghingi ng katarungan at pagbabago para sa mga biktima ng impunity sa gobyerno ng Pilipinas.

Kaya nga nakaka-guilty na magbalik-tanaw sa mga tagumpay na nakuha natin sa nakaraang taon. Sa kabila ng maraming masasamang bagay na nangyari last year, nagkaroon ng pagkakataon ang Antares Programming na mag-thrive. Balikan natin ang bawat isa sa kanila.

Ang Courses by Antares Program­ming

Noong , nagbukas ang Courses by Antares Program­ming. Nagbigay ito ng mga tutorial articles para sa mga nagnanais na matuto ng web develop­ment. Nang magbukas ito, naging available ang unang tatlong tutorial articles para sa HTML Essentials course at tatlong tutorial articles din para sa CSS Essentials course. Sinubukan din nating magkaroon ng videos para sa bawat isang article na ito.

Ngayong taon, goal nating matapos ang lahat ng content para sa courses na ito, kasama na ang JavaScript Essentials course na magbubukas sa . Goal din nating makapag-produce ng videos para sa mga ito overtime, at magkaroon ng pondo para i-host ang mga ito para libre ninyo itong ma-download at mapanood offline. Kasama rin sa goals natin ang mga PDF version ng bawat isang lesson sa courses, at eventually, ang ebook version ng buong course. Gusto rin nating mai-host na ang lahat ng sample code sa Github, kahit na may mga sample code na tayo sa Codepen.

Speaking Engagements

Noong naman, inanyayahan ng Developer Student Club ng AMA Computer College Caloocan City ang Antares Programming na magbigay ng presentation tungkol sa JavaScript para sa mga beginner. Dinaluhan ng maraming mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan at unibersidad ang virtual event na ito, at marami ang nakinabang bilang resulta.

Sa , mananatiling bukas ang Antares Programming sa mga ganitong speaking engagement, virtual event man o in person kapag puwede na ang mass gatherings. Kung isa kang organizer ng developer event at gusto mong imbitahin ang Antares Programming para magsalita sa event ninyo, puwede ninyo kaming padalhan ng message sa official Facebook page namin, o ng email sa creator ng Antares Program­ming.

Followers

Naging malaki rin ang taong 2020 para sa Antares Program­ming Facebook page. Sa ngayon, umabot na tayo sa mahigit 3,200 followers sa Facebook, kumpara sa 2019 kung kailan mayroon tayong around 1,500 followers. Patunay ito na nagiging successful ang lahat ng ginagawa ng Antares Programming na maghatid ng practical information sa mga web developer at mga estudyanteng nag-aaral ng web develop­ment.

Sa 2021, inaasahan nating darami pa ang makakaalam ng tungkol sa amin. Hindi tayo magse-set ng goal na number ng followers dahil para sa amin, hindi iyon ganoon kahalaga. Pero malaking tulong bilang metric ang follower count para malaman namin kung nae-enjoy pa rin ng mga tao ang content namin at kung nakakatulong pa rin ito sa inyo. Kaya huwag kayong mahiyang mag-comment sa mga post namin sa Facebook, lalo na sa mga slideset. Puwede rin kayong mag-request kung ano pa ang gusto ninyong matutuhan.

AlgoFilipino

Nang simulan natin ang Antares Programming noong 2018, goal na nating makatulong sa pagtuturo ng web develop­ment gamit ang wikang Filipino. Kinikilala ng Antares Programming ang malaking papel ng mother tongue ng isang tao sa pagkatuto nila, gaya ng ipinapakita sa mga pag-aaral.1 2 Kaya naman natutuwa ako bilang creator ng Antares Programming na makitang hindi lang ako ang naniniwala sa konseptong ito.

Nitong , pinasinayaan ang AlgoFilipino3. Ayon sa kanila, sila ay isang non-profit na organisasyon na naglalayong mapalago o mapayaman ang wikang Filipino sa larangan ng teknolohiya. Ito ay naniniwala sa pagpapahalaga at pag-iingat sa sariling wika upang hindi ito tuluyang mamatay o mawala. Kamakailan lang, noong , matagumpay nilang nilunsad ang Paham: Mga Bayani ng Teknolohiya, isang webinar at workshop.

Patuloy na susuportahan ng Antares Programming ang AlgoFilipino, pati na ang iba pang effort na gaya nito. Naniniwala ako na magiging malaking tulong sa lahat kung gagamitin natin ang Filipino pati na ang iba pang mga wika sa Pilipinas, bilang medium of instruction sa teknolohiya. Bukod sa dahil ito ang nakasanayan at sa ibang bansa nagsimula ang pag-unlad ng teknolohiya, wala akong iba pang nakikitang dahilan kung bakit hindi dapat gamitin ang mga wika ng Pilipinas sa mga learning materials para sa teknolohiya. Kaya magiging malaking tulong ang AlgoFilipino at iba pang mga organisasyong katulad nito para mapadali sa marami ang pag-aaral ng programming at teknolohiya.

Kung interesado kayo sa kanila, puwede ninyong tingnan ang Facebook page ng AlgoFilipino.

Mga bagong paraan para suportahan ang Antares Programming

Nito ring nakaraang taon, nakapagbukas tayo ng iba’t ibang paraan para suportahan ang Antares Programming. Libre ang lahat ng gawain ng Antares Programming, pero magiging malaking tulong kung may mga taong magdo-donate ng kahit magkano para maipagpatuloy ito.

Dahil diyan, nagbukas tayo ng account sa Patreon. Sa Patreon, puwede kayong maging member at magbigay ng ₱240.00 ($5.00) o ₱480.00 ($10.00) bawat buwan. Sa bawat kontribusyon ninyo, makakakuha kayo early access sa lahat ng content ng Antares Programming, at discount para sa mga merch at ebook na ilalabas namin in the future (kung magkakaroon).

Puwede rin kayong maging member namin sa BuyMeACoffee. Katulad din ito ng Patreon, pero puwede kayong magbigay ng one-time contributions o donations.

Kung hindi naman kayo komportable sa paggawa ng account sa Patreo o BuyMeACoffee, puwede pa rin kayong magbigay ng donations sa PayPal account namin, o magpadala sa amin via GCash.

Mag-donate sa amin via GCash

Sa GCash app, piliin ang Send MoneyExpress Send. Ilagay ang number na ito, at ang amount ng gusto mong i-donate.

Maraming salamat!

Nang simulan ko ang Antares Programming noong 2018, hindi ko inisip na ginagawa ko ito para makita ng maraming tao. Never kong naging goal na dumami ang followers ng project na ito. Naka-focus ang Antares Programming sa paggawa ng mga paraan para makatulong sa mga estudyanteng kasabayan ko noon. Ngayong ikatlong taon ng Antares Programming, gusto kong ipaabot sa inyong lahat ang buong puso kong pasasalamat para sa suporta ninyo. Kapag nababasa ko ang mga comment at message ninyo sa Facebook page namin, sobra akong natutuwa. Malaking bagay ang marinig mula sa inyo na nakakatulong ako kahit sa maliit na paraan.

Asahan ninyong ipagpapatuloy ko ang gawaing ito para mapaabutan ang mas marami pang mga tao. Salamat sa inyo!

  1. Impact of Mother Tongue on Children’s Learning Abilities in Early Childhood Classroom 

  2. Benefits of Mother Tongue As Medium of Instruction 

  3. Hindi konektado ang Antares Programming sa AlgoFilipino. Masaya lang akong suportahan ang effort nila. 

Up Next

Custom scrollbars gamit ang CSS

CSS Layout: Flow Layout