Mag-donate sa amin
Libre ang lahat ng resources mula sa Antares Programming. Pero kung gusto mong tumulong financially, ito ang mga puwede mong gawin.
Malamang na gusto mong makatulong sa expenses ng Antares Programming. Kung oo, maraming salamat! Narito ang ilan sa mga paraan para makapag-donate sa amin.
Warning! Hindi kami nanghihingi ng pera o kahit anong bagay sa kahit na sinong tao kapalit ng kahit anong bagay. Maliban sa mga partikular na kaso, hindi lumalampas ng ₱1,000.00 ang puwedeng i-donate ng bawat isang tao sa Antares Programming, kaya kung may humihingi sa iyo ng malaking halaga, paniguradong scam iyan. ’Wag ibigay sa kahit na kanino ang credit card information mo. Sabihin din sa amin kung may gumagamit ng pangalan ng Antares Programming para humingi ng pera sa kahit kanino. I-message kami sa Facebook page namin, at i-report agad sa authorities ang ganitong insidente.
One-time donation
Gusto mo bang magbigay ng kahit magkano? Puwede kang magpadala sa amin via GCash.
GCash Number: 0906 313 7462Kapag magpapadala via GCash, puwede kang mag-iwan ng note at sabihin na para iyon sa Antares Programming. Maraming salamat!
Paano kung wala akong GCash?
Puwede kang mag-message sa Antares Programming Facebook page para malaman namin ang pinakamadaling way ng pagdo-donate para sa iyo. Salamat!
Patreon
Sa hinaharap, magkakaroon ng Patreon account ang Antares Programming. Puwede kang maging fan at mag-donate ng ₱200, ₱500, o ₱1000 kada buwan. Para lang sa mga hard-core fans ng Antares Programming na may maraming ekstrang pera ang Patreon dahil nga malalaking halaga ang hinihingi nito. Kaya ngayon pa lang gusto ko nang magpasalamat sa inyong lahat na magiging fans ng Antares Programming sa Patreon!
Iba pang donations
Baka may gusto kang i-donate sa Antares Programming na hindi pera—lumang device na puwede pang gamitin, mga libro na puwedeng makatulong sa research, subscription service sa isang software o learning platform, etc. Puwede kang mag-message sa Antares Programming Facebook page para malaman ang pinakamadaling way ng pagpapadala ng item para sa iyo.