History ng Antares Programming
Binuo ang Antares Programming noong huling bahagi ng 2018
Binuo ang Antares Programming bilang isang business page sa Facebook. Una itong binuo ni Francis Rubio para i-advertise ang freelance Web design and development na ino-offer niya. Para makakuha ng followers ang page, nagsimula siyang mag-share ng mga infographics na sarili niyang gawa tungkol sa Web development. Pagkatapos ng isang buwan, nagpasiya siya na ‘wag nang gamitin ang page kundi gawin na itong project kung saan siya magse-share ng mga bago niyang natutuhan tungkol sa Web development.
Disyembre ng 2018 nang i-launch ni Francis ang unang blog site ng Antares Programming sa Github Pages gamit ang Hexo blogging framework.