Collaborations at ang Antares Programming
Gusto mo bang magsulat ng article o gumawa ng video para sa Antares Programming? Ito ang ilang mga bagay na dapat mong malaman.
In general, ang lahat ng content na iko-contribute mo sa Antares Programming ay pag-aari mo pa rin at puwede mong i-redistribute sa kahit na anong platform, Web site, libro, etc. Narito ang ilan sa mga kailangan mong malaman.
ShareAlike License
Para i-feature ng Antares Programming ang gawa mo, kinakailangang pumapayag ka na i-release ang gawa mo under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 (CC BY-SA 4.0) license. Sa maikli, nangangahulugan ito na puwedeng i-redistribute ng kahit sino ang gawa mo para sa kahit anong dahilan na hindi mapagkakakitaan. Pinoprotektahan nito ang karapatan mo sa content mo bilang author habang binibigyan ang publiko ng malayang access sa gawa mo. Para sa higit na detalye tungkol dito, puwede mong basahin ang license sa Creative Commons Web site.
Compliance to content guidelines
Kinakailangan mo ring sumunod sa content guidelines ng Antares Programming. Isa itong guide o pattern na susundin mo sa paggawa ng content, ito man ay isang written article, course, o video. Hindi nito tinatanggal ang artistic liberty mo sa paggawa ng content. Sa halip, sinisiguro nito na makakapag-produce ka ng quality content sa format na napili mo.
Para sa higit pang detalye, i-email ang creator ng Antares Programming sa devFrancisRubio@gmail.com